MANGHIHIRAM muli ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa pandemic response ng gobyerno sa susunod na taon.
Sa kabila nito, ito ay mas magiging mababa kumpara sa mga nakalipas na taon.
Matatandaang, inihayag ng Department of Finance na sumulat ito kay BSP Governor Benjamin Diokno tungkol sa plano ng gobyerno na manghiram ng P300 billion mula sa Central bank sa susunod na taon.
Ngunit ito ay mas mababa pa sa P540-billion financing na babayaran ng gobyerno ng buo bago ang due date nito sa January 12, 2022.
Samantala, ang bagong credit line ay hihilingin ng DOF sa ikalawang linggo ng Enero sa susunod na taon.
Sa ilalim ng bagong Central Bank Act, maaaring magpahiram ng pera ang BSP sa gobyerno kahit wala o may interes upang mapondohan ang national spending ngunit dapat babayaran bago matapos ang ika-tatlong buwan.