DUMATING na ngayong araw ang iba’t ibang kalahok sa AFP Joint Exercise (AJEX) “DAGIT-PA” na gagawin sa isla ng Palawan.
Binubuo ang participating units ng AFP Headquarters Philippine Army (HPA) General Staff, Training and Doctrine Command, Army Signal Regiment, Army Aviation Regiment, 15th Infantry Battalion, 3rd Field Artillery Battalion, 3rd Signal Battalion, 525th Engineer Combat Battalion, 408th Ready Reserve Infantry Battalion, 6th Cavalry Company, Armor Division, Explosive Ordinance Battalion, 4th Intelligence Service Unit, and 3rd Infantry Division’s Forward Service Medical Company.
Ilan sa mga aktibidad na gagawin ng mga miyembro ng AFP ang Amphibious Operations, at Combined Arms and Littoral Live Fire Exercises.
Ngayong taon, makailang beses nang lumahok ang mga kasundaluhan sa iba’t ibang mga pagsasanay katuwang ang iba’t ibang armed forces ng iba’t ibang bansa.
Nauna nang nilinaw ng militar na ang nasabing pagsasanay ay hindi layong magdulot ng tensiyon sa mga karatig rehiyon ng Pilipinas kundi pawang paglawak lamang ng kasanayan at kaalaman ng mga sundalong Pinoy sa pagtatanggol sa bansa sa oras na kailangan ang kanilang serbisyo.