NAGTAPOS na ang taunang Balikatan Exercises sa pagitan ng tropa ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at US forces.
Idaraos ang seremonya para sa pagtatapos ng Balikatan sa loob ng Camp Aguinaldo sa Quezon City.
Ang Balikatan ay sumentro sa major combined/joint interoperability events na layong mapalakas pa ang galing at kakayahan ng mga sundalo sa counterterrorism, amphibious operations, live-fire, urban operations at operasyong panghimpapawid.
Nauna nang sinabi ng AFP na malaking tulong sa kanilang hanay at maging sa American forces ang ginawang palitan ng kaalaman at kakayanan ng dalawang pwersa.
Maliban sa mga pagsasanay ay kinapalooban din ng humanitarian at civic assistance at community relations ang Balikatan ngayong taon.
Kasama na ang pagpatatayo ng mga paaralan na mismong pinondohan ng Amerika.
Ngayong taon, malaki ang naging papel ng Philippine Air Force (PAF) sa naturang pagsasanay kung saan nagamit dito ang malalaki at pinakabagong kagamitang pandigma sa himpapawid na binili ng bansa.
Kabilang sa partisipasyon ng PAF ang tactical airlift and airdrop; mass casualty evacuation; aero medical evacuation; COVID response; air-to-air exercise; base security and aircraft maintenance; radar and radio operations; cyber security, water, jungle, and dive search recovery; tactical combat casualty care/vehicle extrication.
Ilan sa mga ginamit dito ang Black Hawk helicopters, FA-50PH habang nakikipagpalitan ito ng kakayanan sa F-16 fighter jets ng Amerika.
‘The PAF and the USAF (United States Air Force) will focus on the offensive counter-air and defensive counter air operations; several AFP senior leaders will witness and evaluate the said different scenarios to play out from the backseat of the FA-50PH while engaged with the F-16s and the Hawker Hunters in the counter-air exercises,” pahayag ni Col. Maynard Mariano, spokesperson ng PAF.
Batay sa datos, dinaluhan ang pagsasanay ng 3,800 AFP members at 5,100 US military personnel.
BASAHIN: Balikatan 2022, sisentro sa anti-insurgency at humanitarian and disaster response