NANAWAGAN si AFP chief of staff General Romeo Brawner Jr. sa kanilang mga tauhan na patuloy na isulong at protektahan ang karapatang pantao.
Ito ay bilang pakikiisa ng Sandatahang Lakas sa pagdiriwang ng National Human Rights Consciousness Week 2023.
Ang mensahe ni Brawner ay ipinarating sa pamamagitan ni AFP deputy chief of staff Lieutenant General Charlton Sean Gaerlan sa flag-raising ceremony sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ang National Human Rights Consciousness Week ay nagsimula ngayong araw, Disyembre 4 at tatagal hanggang Disyembre 10.
Ang pagdiriwang nito ay itinakda sa ilalim ng RA 9201 upang maimulat ang mamamayan sa karapatang pantao at palaganapin ang kultura na pagpapahalaga nito.