AFP, palalakasin ang pwersa sa Samar kontra CPP-NPA

AFP, palalakasin ang pwersa sa Samar kontra CPP-NPA

IPADADALA ng Visayas Command ang karagdagang pwersa ng military sa Samar.

Ito ay para tapusin ang laban sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Sa isang pahayag mula sa Visayas Command (VisCom), may karagdagang Army battalion ang ipapakalat sa Samar bilang bahagi ng hakbang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na wakasan ang lokal na komunistang teroristang grupo sa lalawigan.

Sa isang pahayag mula sa VisCom, ang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni AFP Chief of Staff Gen. Andres Centino na wakasan ang armadong pakikibaka sa CPP-NPA bago ang magtapos ang termino ni Pangulo  Rodrigo Duterte.

Ayon pa kay VisCom commander Lt. Gen. Robert Dauz, na tinatanggap niya ang pagdaragdag ng bagong batalyon, at sinabing ito ay malaking tulong upang higit pang palakasin ang operasyon ng panloob na seguridad at pabilisin ang laban sa natitirang mga gerilya sa lalawigan.

“The servant in the Visayas welcomes the additional member of our team. The addition of this unit only manifests the sincerity of our government to eradicate the menace of the communist terrorists in this part of the country, and sustain the people’s democratic way of life,” pahayag ni Dauz.

Dagdag pa nito na sa kabila ng paghina ng pwersa ng komunistang terorista sa Samar, walang hinto ang operasyon upang wakasan ang  komunistang teroristang grupo sa bansa.

“Diminishing strength of the communist terrorists in Samar, there will be no let-up operation in putting an end to the communist terrorists’ reign of terror,” ani Dauz.

Kung matatandaan, noong Lunes, isang engkwentro sa pagitan ng mga miyembro ng 19th Infantry Battalion at ng mga komunistang terorista sa ilalim ng Front Committee 1 ng Sub-Regional Committee ‘Emporium’ ang naganap sa Barangay Senonogan de Tubang ng bayan ng Silvino Lobos sa Northern Samar.

Nagresulta ang bakbakan sa pagbawi ng isang anti-personnel mine, isang .45-caliber pistol, at isang improvised rifle mula sa mga kalaban.

Walang namang naiulat na casualty sa panig ng gobyerno habang inaalam pa ang mga nasawi at nasugatan sa panig ng mga komunistang terorista.

“Being the servant in the Visayas, Viscom finds no satisfaction in killing the communist terrorists. Our real sense of fulfillment is for them to return to mainstream society and live a peaceful and progressive life with their families,” saad ni Dauz.

“(We will) keep on encouraging them to lay down their arms and abandon their armed struggle (and) avail the government’s local integration program while they still can,” dagdag nito.

Follow SMNI News on Twitter