Agarang pagpapadala ng family food packs sa mga apektado ng Bagyong Karding, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

Agarang pagpapadala ng family food packs sa mga apektado ng Bagyong Karding, ipinag-utos ni Pangulong Marcos

IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang agarang pagpapadala ng family food packs at mga pangunahing pangangailangan ng mga naapektuhan ng pananalasa ng Super Typhoon Karding.

Sa situational briefing nitong Lunes ng umaga, sinabi ni Pangulong Marcos na nakaantabay siya sa iba’t ibang programa na maaari pang maitulong ng gobyerno.

Katulad na lamang ng Assistance to Individuals in Crisis Situations program ng Department of Social Welfare and Development.

Sa ngayon, nakahanda na ang pamahalaan sa pamamahagi ng pagkain, tubig, at iba pang essential items sa Polillo Island, Quezon Province at iba pang lugar sa Luzon na tinamaan ng Bagyong Karding.

Follow SMNI NEWS in Twitter