AI susi sa pagsugpo at pagresolba sa krimen—bagong PNP Chief

AI susi sa pagsugpo at pagresolba sa krimen—bagong PNP Chief

NANINDIGAN ang Philippine National Police (PNP) na ang paggamit ng Artificial Intelligence (AI) ay susi sa pagsugpo sa mga krimen sa bansa.

Sa kauna-unahang pagharap nito sa media, sinabi ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil na ang kaniyang mga plano ay alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dapat makasunod ang pamahalaan at hindi mapag-iwanan sa takbo ng makabagong teknolohiya.

Inihalimbawa pa ni Marbil ang paggamit ng AI sa Amerika kung saan madaling natutunton ang mga kriminal sa isang partikular na krimen.

Ayon sa PNP Chief, hindi naman nito masasagasaan ang trabaho ng mga pulis bagkus, makatutulong pa ito upang mapagbuti pa lalo ang pagganap nila sa tungkulin.

Dagdag pa ni Marbil, bahagi ito ng kanilang SMART Policing at kanila itong paglalaanan ng sapat na pondo upang maisakatuparan ang nasabing hakbang.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter