IGINIIT ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na pinipirata ang kanilang air traffic controllers at expert technicians.
Ito ang kanilang tinuran sa pagharap nila ng personal sa imbestigasyon ng House Committee on Transportation hinggil sa nangyaring aberya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong bagong taon.
Ayon kay CAAP, director general Manuel Antonio Tamayo, karamihan sa kanilang mga tauhan ay kinukuha ng foreign companies lalo na sa Middle East.
Aniya, nasa P300,000 ang entry level pay sa Middle East, malayo sa P45,000 na entry pay dito sa bansa.
Nanindigan naman si Tamayo na magagaling ang technical team ng CAAP kaya pinipirata ito ng mga banyagang kumpanya.
Kaugnay naman sa aberya sa NAIA, saad ng pamunuan ng CAAP na mabilis nilang nagawan ng paraan ang isyu dahil sa competency ng kanilang mga tauhan.