Modernisasyon ng PH Transpo, kulelat –Sen. Ejercito

Modernisasyon ng PH Transpo, kulelat –Sen. Ejercito

IGINIIT ni Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na kailangang pabilisin ang mga pagsisikap para sa pagsamoderno ng sistema ng transportasyon ng Pilipinas dahil ang kakayanan ng bansa ay nahuhuli ng 3 dekada kumpara sa mga kapitbahay nito sa Southeast Asia.

Ipinaliwanag ni Ejercito, vice chair ng Senate Committee on Public Services, na kulang na kulang pa rin ang kasalukuyang investments ng bansa sa infrastructure development at transportation modernization.

Ikinalulungkot nito ang kakarampot na investment ng pamahalaan sa transport sector na nasa 2% lamang ng GDP na aniya ay dapat nasa 5% para sa infrastructure development.

Sinabi ni Ejercito na ang pagpapabuti ng mga sistema ng transportasyon sa bansa, lalo na ang mga riles nito, ay magpapalakas sa patuloy na pagsisikap na buhayin ang ekonomiya na apektado ng COVID-19.

Kahapon, kasama ni Ejercito si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., mga opisyal mula sa Department of Transportation, at mga kinatawan ng Japan International Cooperation Agency sa paglulunsad ng Tunnel Boring Machine (TBM) para sa Metro Manila Subway System Project (MMSP).

Follow SMNI NEWS in Twitter