Bluewaves Resort, tampok ang beach, bonding, at adventure

Bluewaves Resort, tampok ang beach, bonding, at adventure

Moalboal Bluewaves Resort, tampok ang beach outing, swimming, bonding, at pahinga mula sa nakakapagod na routine! Kung naghahanap ng magandang lugar para magsama-sama ang pamilya, barkada, o mga kaibigan, hatid ng resort ang masayang bakasyong puno ng beach, bonding, at adventure. Kaya tara na at planuhin ang inyong susunod na outing dito sa Moalboal Blue Waves Resort!

Sa pag-usbong ng turismo sa Moalboal, naging bahagi rin ng pag-unlad na ito ang Bluewaves Resort. Mula sa dating pribadong guest house ng mga may-ari, binuksan ito sa publiko noong Marso taong 2023 upang mas marami pang bisita ang makaranas ng masayang bakasyon dito.

“Bluewaves Resort started as guest house, rest house for the resort owners. And they finally realized that it is profitable to make this a full-blown resort, because of the booming tourism of Moalboal and I was lucky, one of the lucky employed staff here at Bluewaves Resorts,” ayon kay Mark Dionaldo, Supervisor, Bluewaves Resort.

Bukod sa mga pasilidad, mahalaga rin sa isang bakasyon ang maayos na pagtanggap at pakikitungo sa mga bisita.

“Sa dalawang taon kong pagtatrabaho rito, nakita ko na may mga guest na paulit-ulit na bumabalik dahil nagugustuhan nila ang resort. Tahimik daw ang lugar at hindi matao. Masaya rin silang mamasyal dito dahil magiliw ang aming mga staff. Pet-friendly din ang resort namin,” wika ni Fe Ilustrisimo, Receptionist, Bluewaves Resort.

At bukod sa beachfront experience, may mga kuwarto rin para sa mga gustong mag-overnight, restaurant at bar para sa kainan at kuwentuhan, at garden area para sa mas relaxing na stay.

Maliban pa sa Bluewaves Resort sa Saavedra, Moalboal, mayroon din silang Bluewaves Hostel & Villa sa Pinagsama, Moalboal na kayang mag-accommodate ng 50 bisita.

Para naman sa mga gustong maging aktibo habang nagbabakasyon, may iba’t ibang aktibidad na maaaring subukan sa Bluewaves Resort.

“Marami kaming amenities at activities na iniaalok, gaya ng pickleball, paddle activities at kayaking. Mayroon din kaming sardine run, turtle watching at snorkeling para sa aming mga guest,” dagdag ni Ilustrisimo.

Para sa mas malaking grupo, may villa package ding maaaring pagpilian ng mga pamilya at magkakaibigang gustong magbakasyon nang magkakasama.

“Mula sa regular na presyong ₱9,700, maaari nang makuha ang villa sa halagang ₱8,500, good for 10 persons. May free breakfast kapag weekend, isang oras na pickleball at kayaking, at GoPro goggles,” dagdag ni Ilustrisimo.

Isa sa mga bisitang nag-enjoy sa resort ay si Phillip Dela Cerna. Ibinahagi niya kung ano ang nagustuhan niya sa lugar.

“Ang talagang nagustuhan ko ay ang napakagandang tanawin papunta sa Negros Island. Presko rin ang simoy ng hangin. Talagang magandang balikan ang lugar,” ayon kay Phillip Dela Cerna.

Para naman kay Vangie, may isa pang mukha ng Moalboal na dapat ding matuklasan—isang karanasang naiiba sa karaniwang pamamasyal ng mga turista.

“Blue Waves offers the second side of Moalboal. So, in reality there are two types of a Moalboal experience. The one with the turtles and sardine run which is on the kind of tourist side. And there is another side also na perfect for staycation. So ito ‘yong other side of Moalboal, ‘yong quiet, serene, peaceful. And dito nga namin nahanap sa Bluewaves,” wika ni Vanj D. Padilla, JD, Founder & Strategic Advisor.

Naging pagkakataon din ang pagbisitang ito para muling magtagpo ang mga taong pinag-ugnay ng SMNI.

“Malaki pa rin ang pasasalamat ko dahil hanggang ngayon ay patuloy pa rin akong bahagi ng digital broadcast ng SMNI at nananatiling katuwang sa paglilingkod sa taumbayan,” saad ni Phillip Dela Cerna, Broadcast Technician, DYAR 765 SMNI Sonshine Radio.

Para naman kay Vangie, ilang taon na rin ang lumipas mula nang maging bahagi siya ng team.

“I was really thankful na naging part ako ng SMNI family. And now nga dito sa Cebu, I was invited by the SMNI Cebu News Team to be part of their parang break this season,” dagdag ni Padilla.

“Decades na ‘yong nakaraan, ay continued pa rin ‘yong pagtitiwala, ‘yong friendship…” aniya.

“Bilang bahagi ng aming pagbisita rito, masasabi nating sulit ang oras na inilaan sa lugar na ito. Mula sa beach experience hanggang sa mga pasilidad na maaaring tangkilikin ng mga bisita, may dahilan para isama ang Moalboal Blue Waves Resort sa inyong susunod na outing destination. Kaya kung matagal na ninyong planong magbakasyon kasama ang pamilya o barkada, baka ito na ang sign para ituloy na ang inyong beach getaway!” aniya.

 

 

RELATED STORIES:

Mula kaguluhan, tungo sa kabuhayan — Tuburan, Cebu, likas na yaman ginawang puhunan sa turismo

Jpark Island Resort & Water Park, magbibigay ng malalaking discounts para sa magbabakasyon sa Cebu

Relax, bond, experience: San Remigio Beach Club sa Cebu, isang full-package destination

 

 

 

Follow SMNI NEWS in Twitter