BUMABA sa 26,357 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasunod ito sa paggaling ng nasa 2,670 na mga pasyente nitong Linggo.
Ngunit kasabay nito ay nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng higit 2,000 na kaso batay sa pinakahuling update ng ahensiya kahapon.
Mula naman sa National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng kaso na 790; 425 ay mula sa CALABARZON at 208 naman sa Central Luzon.
Habang nakapagtala rin ang DOH ng 34 na nasawi.
Ayon naman sa OCTA, umaabot na sa 15.6% ang positivity rate ng COVID-19 sa bansa.