Aktibong pakikilahok ng publiko sa earthquake drill, pinasalamatan ng OCD

Aktibong pakikilahok ng publiko sa earthquake drill, pinasalamatan ng OCD

PINASALAMATAN ng Office of Civil Defense (OCD) ang lahat ng lumahok sa 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill (NSED) ngayong umaga.

Ayon kay Civil Defense Administrator Undersecretary Raymundo Ferrer, ang aktibong pakikilahok ng iba’t ibang sektor ay patunay na mulat na ang publiko sa dalang panganib ng lindol.

Isa aniya ang earthquake drill sa mga inisyatibo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) upang maihanda ang publiko sa pagyanig.

Hinimok ni Ferrer ang publiko na ituloy ang suporta sa mga programa ng gobyerno upang mapalakas ang kanilang kaalaman at kahandaan sa kalamidad.

Nabatid na alas-9 ng umaga nang isinagawa ang ceremonial pressing of button sa Parañaque City bilang hudyat para mag-duck, cover at hold.

Kasama rin sa ginawang paghahanda ng publiko ang tsunami scenario sa coastal communities.

Follow SMNI NEWS in Twitter