UMAPELA ng karagdagang financial assistance mula national government ang Albay Local Government Unit.
Umapela ang lokal na pamahalaan ng Albay ng karagdagang tulong mula sa national government para sa mga biktima ng pag-aalboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Governor Edcel Greco Lagman, paubos na ang quick response fund kung kaya umaasa ito na makakakuha ng cash aid sa pamahalaan.
Sa rekord, nasa P32-M na ang ginagamit ng Albay sa kanilang response fund simula noong Hunyo 9, 2023.
Batay rito, posibleng aabutin ang natirang pondo ng 15 hanggang 20 araw.