PLANO ng lokal na pamahalaan ng Albay na maglagay ng teaching tents para sa mga estudyanteng napilitang hindi makapasok sa mga eskuwelahan dahil sa pag-alboroto ng Bulkang Mayon.
Ayon kay Albay Governor Edcel Greco Lagman, ayaw nilang maantala ang pag-aaral ng mga bata kung kaya’t kailangan talaga na matanggap ang mga ito sa mga eskuwelahang bukas pa rin o magbigay ng teaching tents sa mga evacuation center.
Plano rin ng LGU na maglagay ng modular o makeshift tents upang mabawasan ang pagsisiksikan ng mga evacuees.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 17,216 na katao o 4,813 na pamilya ang kasalukuyang nananatili sa 25 na evacuation centers sa Albay.