ITINANGGI ng Commission on Elections (COMELEC) ang alegasyon ni dating Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Elisio Rio sa resulta ng 2022 national elections.
Saad ni Rio, naunang magtransmit ng datos ang vote counting machines bago magsimula ang aktuwal na data transmission alas 7:19 ng gabi noong May 9, 2022 election day.
Kaduda-duda aniya ito ani Rio at dapat itong ipaliwanag ng COMELEC.
Nilinaw naman ni COMELEC spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ang tina-transmit ng vote counting machine ay hindi mga boto kundi election returns.
Nanindigan din ang COMELEC sa transparency ng nagdaang eleksiyon at tiniyak na kompleto sila sa mechanics kontra dayaan.
Samantala, 100% nang handa ang poll body para sa Barangay and SK Elections (BSKE) ngayon taon.
Ani Laudiangco, nasa 1.6 million na balota na lamang ang kailangan nilang ilimbag.