HINDI na kailangan pang itaas ang alert level status ng Pilipinas sa Israel ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Sa kabila ito ng latest drone at missile attack ng Iran sa Jerusalem noong Abril 15, 2024.
Ang Alert Level 2 status na kasalukuyang ipinapatupad sa Israel ay sanhi ng paghihigpit sa deployment pa ng mas maraming Overseas Filipino Workers (OFWs) sa bansa.
Ang mga Pilipino na nasa Israel naman ay pinapaalalahanan na maging alerto at maging updated sa mga anunsiyo ng bansa hinggil sa seguridad.
Mainam din na makipag-ugnayan ang mga OFW sa kanilang community leaders at sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas.