DAHIL sa dami ng mga nabibiktima binalaan ni Davao City Mayor Baste Duterte ang mga residente na mag-ingat sa mga scammer na patuloy na nanloloko sa lungsod.
Ang paalala ay kaugnay sa dumaraming reklamo ng scams partikular ang mga biktima ng wedding scam kung saan aabot na sa 80 pares ang nabiktima sa lungsod.
Payo ni Mayor Baste dapat mag-ingat at mag research muna bago pumili ng kukunin na wedding planner at tiyakin na may kontrata at resibo sa bawat pagbabayad ng transaksyon.
Hinikayat din ang publiko na gamitin ang citizens arrest kung may makakausap na malinaw ang tangka na makapanloko ng kapwa.
Tiniyak ng alkalde na nakikipag-ugnayan na sila sa Davao City Police sa pamamagitan ng anti-scam unit na nangunguna sa imbistigasyon upang mahuli ang wedding scammer na tukoy na ng mga otoridad.