Alyssa Valdez at Philippine Women’s Volleyball Team, lilipad na patungong Brazil ngayong araw

Alyssa Valdez at Philippine Women’s Volleyball Team, lilipad na patungong Brazil ngayong araw

NAKATAKDANG lumipad ang Philippine Women’s Volleyball Team papuntang Brazil ngayong araw para simulan ang kanilang pag-e-ensayo para sa pagsabak nito sa Southeast Asian Games.

Ayon kay Alyssa Valdez, nais talagang mapanalunan ng lahat ang gintong medalya sa palaro at ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maabot ito.

Tutungo ang buong team sa Barueri sa Brazil na isang bayan na kilala dahil sa larangan ng volleyball upang sumailalim sa matinding training sa loob ng dalawang linggo.

Kasama ni Valdez sa kampo ay ang iba pang open spikers na sila Jema Galanza at Cez Molina, Middle blockers na sila Ria Meneses, Majoy Baron, Dell Palomata, Aby Maraño, Jaja Santiago at opposite spikers Kat Tolentino at Mylene Paat.

Kasama rin sa team na makilahok sa Vietnam Sea Games sa May 12-13 ang setters na sila Kyle Negrito, Deanna Wong, Iris Tonelada at mga libero na sila Dawn Macandili at Kath Arado.

Follow SMNI NEWS in Twitter