Alyssa Valdez, hindi makapaglalaro para sa semifinals ng Creamline sa PVL All-Filipino Conference

Alyssa Valdez, hindi makapaglalaro para sa semifinals ng Creamline sa PVL All-Filipino Conference

AABANTE na ang Creamline Cool Smashers sa semifinals ng PVL All-Filipino Conference 2023 nang wala ang isa sa star players nitong si Alyssa Valdez.

Sa kabila nito, nakuha naman ng Cool Smashers ang top spot sa playoffs na may 7-1 record at natalo lamang ito ng F2 Logistics Cargo Movers.

Opisyal na nakuha ng Cool Smashers ang top spot matapos nitong talunin ang Akari Chargers sa loob ng 4 na set.

Ayon kay Cool Smasher head Coach Sherwin Meneses, naihanda na nila ang kanilang mga sarili na maglaro sa conference nang wala ang tulong ng multi-awarded outside spiker at phenom na si Alyssa Valdez dahil sa kaniyang injury.

Dagdag ni Meneses, prayoridad pa rin nila ang kalusugan ni Valdez at patuloy lamang ang paghahanda nila sa araw-araw para mas mapagbuti pa ang kanilang paglalaro.

Matatandaan na hindi pa muling nakakabalik si Valdez sa aksiyon simula nang magsimula ang All-Filipino Conference dahil sa nasa recovery stage pa lamang ito dahil sa kaniyang knee injury.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram