MAKARARANAS ng water interruption ang ilang mga water consumers ng Manila Water sa ilang bahagi ng Rodriguez at Binangonan, Rizal simula bukas, Marso 16 hanggang 17.
Sa anunsiyo ng Manila Water, magsisimula ang water service interruption 10am, Marso 16, Huwebes, hanggang 4am Marso 17, Biyernes.
Kabilang sa mawawalan ng tubig ay ang ilang bahagi ng Barangay San Isidro (Greenbreeze Phase 2) at Phase 2 sa Rodriguez, Rizal at ilang bahagi ng Barangay Bilibiran sa Binangonan, Rizal.
Ayon sa Manila Water, nagsasagawa sila ng water service dahil sa pagpapalit ng line meter at interconnection works sa mga apektadong lugar.