Ambag ni dating Sen. Rodolfo Biazon, kinilala ng PCG

Ambag ni dating Sen. Rodolfo Biazon, kinilala ng PCG

KASABAY ng pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naiwang kaanak ni dating Senator Rodolfo Biazon ay kinilala rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga ambag nito sa kanilang ahensiya at sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

Ayon kay Coast Guard Commandant, Admiral Artemio Abu, pinasasalamatan nito si Biazon sa mga naitulong nitong programa para sa Philippine Coast Guard sa ilalim ng binuo nitong PCG Law of 2009.

Kasabay ng pakikisa sa pagpanaw ng senador, naka half-mast ngayon ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng kampo ng militar bilang pagkilala ng naging serbisyo nito bilang dating pinuno ng AFP.

Sa pahayag naman ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr., sinabi nito na nagpapasalamat sila sa repormang ginawa ni Biazon sa pamamagitan ng batas na patuloy na nagpapatibay sa pundasyon ng pulisya at militar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter