IBINULGAR ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC na si Ana Patricia Non o ang pasimuno ng community pantry sa Quezon City ay miyembro ng CPP-NPA.
Batay ito sa pahayag na binitawan ni NTF-ELCAC Usec. Lorraine Badoy sa SMNI News.
“Tawag sa kanya, ka-Patring. Siya ay isang myembro ng CPP-NPA-NDF. Ang history niya, former councilor ng student council ng UP-College of Fine Arts sa Diliman. Member siya ng above ground organization ng Concerned Artists of the Philippines tapos former head ng Alay Sining na isa ding- tapos naging national officer ng kabataang artista para sa tunay na kalayaan or karatula. Officer siya ng ARMAS na artista at Manunulat ng Sambayanan na isang underground mass organization ng CPP-NPA-NDF,” pahayag ni Badoy.
Ayon kay Usec. Badoy, maganda sana ang layunin pero bulok ang totoong agenda ng naturang hakbang.
Pinahihina lang aniya nito ang gobyerno.
“Underground movement na member siya so ibig sabihin ay sumasang-ayon ka sa pagpapabagsak ng ating gobyerno which is ano, pasok na pasok sa ginagawa niya, di ba? Nagbibigay ka ng pagkain, meron pang ano, oust Duterte? Bakit? May flyers, may brochures,” ayon kay Badoy.
Ang totoo na bayanihan spirit ayon kay Usec. Badoy ay yaong magkatuwang ang gobyerno at publiko dahil hindi aniya tama ang nakikipag-away laban sa gobyerno.
(BASAHIN: Pag-red tag ng mga awtoridad sa community pantries inalmahan ng mga senador)