Anak ni Anson Que, inabswelto ng DOJ; Isa sa mga suspek, tuluyan nang kakasuhan sa korte

Anak ni Anson Que, inabswelto ng DOJ; Isa sa mga suspek, tuluyan nang kakasuhan sa korte

NAKITAAN ng Department of Justice (DOJ) ng prima facie evidence with reasonable certainty of conviction o sapat na batayan para kasuhan ng kidnapping for ransom with homicide ang suspek na si Gong Wen Li, kilala rin bilang Kelly Tan, kaugnay ng pagdukot at pagpatay sa negosyanteng si Anson Que at sa drayber nito.

Sa inilabas na resolusyon, inirekomenda ng DOJ ang pagsasampa ng dalawang bilang ng kidnapping for ransom with homicide laban kay Kelly.

Inirekomenda rin ng DOJ sa PNP Anti-Cybercrime Group na paigtingin pa ang imbestigasyon sa mga iba pang maaaring sangkot sa krimen.

Samantala, inabswelto ng DOJ si Alvin Que, anak ng biktima, dahil sa kakulangan ng ebidensya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble