Ang bagong Miss Universe 2024 Crown ay gawang Pilipinas!

Ang bagong Miss Universe 2024 Crown ay gawang Pilipinas!

ANG kompanyang Jewelmer ang lumikha ng korona para sa Miss Universe 2024, na siyang kauna-unahang Filipino-crafted crown para sa pageant.

Ipinagmamalaki ng Jewelmer ang kanilang disenyo, na tampok ang Golden South Sea pearls mula sa Palawan bilang simbolo ng ganda at likas na yaman ng Pilipinas.

Nagkakahalaga ang korona na ito ng $681,504 at tinawag na Lumière de l’Infini Crown (Light of Infinity Crown).

Ayon sa kompanya, ang korona ay isang parangal sa Filipino artistry at sining ng perlas, na sumasalamin sa dedikasyon sa mga tagalikha sa likod ng proyektong ito.

Ang korona ay ipapatong sa maswerteng mananalo ng Miss Universe 2024 title ngayong Nobyembre 17 sa Mexico City bilang simbolo ng Filipino heritage at talento para sa mundo.

Isang Filipina rin kaya ang mag-uwi nito?

Ang Jewelmer din ang may gawa ng iconic La Mer En Majeste crown, ang kasalukuyang Miss Universe Philippines crown na nasungkit din ni Chelsea Manalo na lumalaban ngayon sa Mexico.

Ang Jewelmer ay isang kilalang luxury brand mula sa Pilipinas na itinatag noong 1979 ng French perliculturist na si Jacques Branellec at Filipino entrepreneur na si Manuel Cojuangco.

Nakilala ang kompanya sa kanilang produksiyon ng mga bihirang Golden South Sea pearls, na kilala sa kanilang natatanging kulay at mataas na kalidad. Itinatag ang kompanya upang lumikha ng sustainable pearl farms at maiangat ang kalidad ng perlas na gawa sa Pilipinas.

Sa tulong ng mataas na antas ng craftsmanship at maingat na pagpapanday ng perlas, nakamit ng Jewelmer ang reputasyon bilang isa sa mga nangungunang pearl jewelry brands sa mundo.

Ang kanilang mga alahas ay hindi lamang produkto kundi sining din, na nagpapakita ng kagandahan at kayamanan ng likas na yaman ng Pilipinas, partikular sa Palawan, kung saan matatagpuan ang kanilang mga pearl farm.

Follow SMNI NEWS on Twitter