OPISYAL nang ilulunsad ang Angat Buhay program ni outgoing Vice President Leni Robredo sa Hulyo 1, 2022 sa kanilang volunteer center sa Katipunan Avenue sa Quezon City.
Ito mismo ang inanunsyo ni VP Robredo sa kanyang personal Facebook account ngayong Martes.
Magkakaroon din sila ng dalawang araw na street at art festival bilang hudyat ng pagsisimula ng nasabing organisasyon.
Dahil na rin sa pagtaas muli ng mga kaso ng COVID-19, nagpaalala si Robredo na magiging maingat sila sa pagpasok ng mga bisita sa volunteer center.