Anti-Dynasty Bill, dapat mabuting pag-aralan –Atty. Roque

Anti-Dynasty Bill, dapat mabuting pag-aralan –Atty. Roque

KUNG lilimitahan man ang pami-pamilyang nailuloklok sa gobyerno nang sabay-sabay, posibleng maaaring gawin na lamang ito sa mag-asawa, magkapatid, mag-ina at mag-ama.

Ito ang opinyon ni Atty. Harry Roque hinggil sa Anti-Dynasty Law na isinusulong sa Kamara.

Pinaliwanag din ng butihing abogado na posibleng magiging problemang kakaharapin dito ay ang “satisfaction” ng mga tao sa isang apelyido na nasa larangan ng pagbibigay ng serbisyo.

Halimbawa na lang dito ay ang mga Duterte.

Dahil dito, para kay Roque, mainam na pag-aralan ito nang mabuti. Anti-Dynasty.

Ang pinakahinahangad lang naman din ng taumbayan ay kung ano at sino ang magdadala sa bansa tungo sa kaunlaran.

Follow SMNI NEWS in Twitter