Anti-rabies coverage ng PhilHealth pinapataasan

Anti-rabies coverage ng PhilHealth pinapataasan

HINIKAYAT ng Senado na taasan na ng PhilHealth ang kanilang coverage para sa anti-rabies.

Mula sa kasalukuyang P5K–P6K, iminungkahi ng Senado na gawin na itong P15K.

Ang aktwal na halaga ng gamutan ayon kay Sen. Raffy Tulfo ay umaabot ng hanggang P20K kung kaya’t malaking tulong na mataasan ng PhilHealth ang kanilang anti-rabies coverage.

Mula Enero hanggang Marso ngayong taon, nasa 55 na kaso ng rabies ang naitala ng Department of Health (DOH).

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble