Antique, pinagaan ang travel protocol para sa mga fully vaccinated na

Antique, pinagaan ang travel protocol para sa mga fully vaccinated na

PAPAYAGAN NANG makapasok sa lalawigan ng Antique ang mga taong fully vaccinated kahit hindi na magpakita ng kanilang negatibong resulta sa RT-PCR test.

Naglabas ng Executive Order No. 93-A si Gov. Rhodora Cadiao, alinsunod sa mga indibidwal na nabakunahan na ng dalawang beses.

Ayon kay Cadiao ang bagong protocol ay makakatulong na mapagaan ang pasanin ng mga Antiqueño na nais umuwi sa lalawigan.

Kaugnay nito, ang lahat ng mga nagbabalik na Antiqueño mula sa labas ng Western Visayas ay kinakailangan pa ring magkaroon ng kanilang aprubadong S-pass pagdating sa lalawigan.

Aniya, isa rin itong paraan upang hikayatin ang mga Antiqueños na magpabakuna laban sa COVID-19.

Ang mga ganap na nabakunahan na indibidwal ay maaaring maglakip ng kanilang government ID, vaccination card at notice of coordination.

Para naman sa hindi pa nabakunahan na indibidwal ay maaaring maglakip ng kanilang government ID, negatibong resulta ng RT-PCR at Notice of Coordination.

BASAHIN: Camarines Norte, niyanig ng 5.1 magnitude na lindol; San Jose, Occidental Mindoro, 4.9

SMNI NEWS