AO 14 ni PBBM para sa rehabilitasyon ng Marawi City, ikinatuwa ng Mindanaoan solon

AO 14 ni PBBM para sa rehabilitasyon ng Marawi City, ikinatuwa ng Mindanaoan solon

IKINATUWA ni Lanao del Sur Rep. Zia Adiong ang inilabas na Administrative Order 14 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. kaugnay sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Nakasaad dito ang mandatoryong kolaborasyon ng government agencies sa local government units para matiyak na nakasunod sa tamang timeline ang mga proyekto at aktibidad na ginagawa sa Marawi City.

Naniniwala si Rep. Adiong na sa pamamagitan ng AO 14 ay mas mapapadali na ang rehabilitasyon ng Marawi City dahil nababawasan na rito ang burukrasya.

Samantala, nakasaad din sa AO 14 ang pagkakabuwag ng Task Force Bangon Marawi sa Marso 31, 2024 na nabuo pa noong 2017.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble