PALALAWIGIN pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang proseso ng aplikasyon para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Bubuksan ng DSWD ang mga opisina nito kahit weekends kung kinakailangan para bigyang-daan ang mga indibidwal at pamilya na gustong makasali sa programa.
Ayon kay DSWD Secretary Erwin Tulfo, ito ay upang ma-accommodate ang mga single parent, poor households, magsasaka, mangingisda at mga indibidwal na gustong sumali sa 4Ps.
Ang mga panuntunan ng 4Ps on demand application ay ginagawa na ng National Household Targeting Office.
Isasali ng DSWD ang mga wala sa listahanan (list) 3 lalo na sa mga marginalized at mga vulnerable sectors ng sosyodad.