BUMAGSAK sa 23.8% ang approval rating ng gabinete na pinamumunuan ni Japanese Prime Minister Fumio Kishida dahil sa pagkasangkot ng mga ito sa korapsyon.
Noong Nobyembre ng nakaraang taon, ang Liberal Democratic Party (LDP), ang naghaharing partido ng Japan ay napag-alamang hindi nagdeklara ng tamang kita mula sa fund-raising events na inorganisa ng LDP.
Ayon sa isang residente ng Tokyo, mahirap umano sa kanya na tanggapin ang ginagawa ng mga nasa kapangyarihan kaya hindi na nakakagulat kung babagsak ang suporta ng mga tao.
“It’s hard for me to accept this because it doesn’t get to the root of the problem. I think people will definitely have questions when evaluating it. There are many scandals in the LDP, which will inevitably lead to a drop in support rate,” one of the resident said.
Napag-alamang maraming paksyon ng LDP ang nagtago ng mga kita na nalikom mula sa mga kaganapan at higit pitumput walong porsyento ng mga residente ng bansa ang galit dahil hindi maipaliwanag ni Kishida ang katotohanan.
Iisa lamang ito sa mga hindi kayang iresolba ni Kishida. Bilang karagdagan, karamihan sa mga mamamayan ng bansa ang hindi na nasisiyahan sa pamumuno ng punong ministro dahil sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at ang naghihingalong ekonomiya ng Japan.
“The policies of the Japanese government cannot satisfy the nation. The Japanese people have seen through that the government is just putting on a show. I hope that the government will seriously consider Japan’s economic development,” resident said.
Bukod sa mga umuusbong na problema sa ekonomiya na hindi pa natutugunan ng maayos, tumataas naman taun-taon ang badyet ng depensa ng Japan.