Arawang water interruption sa ilang bahagi ng NCR, magpapatuloy hanggang Mayo 16

Arawang water interruption sa ilang bahagi ng NCR, magpapatuloy hanggang Mayo 16

INANUNSIYO ng Maynilad Water Services na patuloy na makararanas ang mga lungsod ng Parañaque, Pasay, at Cavite ng arawang water service interruption hanggang sa Mayo 16 dahil sa mababang produksiyon ng tubig.

Ayon sa Maynilad, ang mababang production level ng tubig ay dahil sa turbidity level ng raw water sa Laguna at sa tumagas na ultrafiltration valve nito.

Samantala, siniguro ng Maynilad sa publiko na ipinag-utos na rin nito ang pagpapasa-ayos sa mga tumagas na valve.

Hinimok naman ng water provider ang mga apektadong customer na mag-imbak ng sapat na suplay ng tubig sa mga oras na may suplay nito at pinaalalahanan na saglit na patuluin ang tubig hanggang sa luminaw bago gamitin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter