Arms cache ng CTG sa Baggao, Cagayan, narekober ng mga awtoridad

Arms cache ng CTG sa Baggao, Cagayan, narekober ng mga awtoridad

NATUNTON ng kasundaluhan ang kinaroroonan ng mga nakatagong armas ng communist terrorist group (CTG) sa Baggao, Cagayan sa tulong ng publiko at hanay ng kasundaluhan.

Agarang ikinasa ng kasundaluhan ng 95th Infantry “Salaknib” Battalion (95IB) katuwang ang hanay ng kapulisan ang nasabing operasyon matapos ibulgar ng dating miyembro ng Komiteng Probinsya Cagayan na si alyas Marvin ang mga ibinaong kagamitang pandigma ng mga dati niyang kasamahan sa kilusan.

Narekober ng mga puwersa ng pamahalaan ang walong pirasong pampasabog o improvised explosive devices (IEDs) sa lokasyon kung saan naroroon ang arms cache.

Patunay ito na lumalabag ang teroristang grupong Communist Party of the Philippines-New People Army (CPP-NPA) sa International Humanitarian Law, kung saan ipinagbabawal ang paggamit ng bomba katulad ng narekober na pampasabog ng CTG.

Dahil dito, pinuri ni Lt. Col. Vladimir Gracilla, Commanding Officer ng 95IB ang pagsisikap at dedikasyon ng mga kasundaluhan at kapulisan upang itaguyod ang kapayapaan sa lalawigan ng Cagayan.

Pinasalamatan din nito ang dating rebelde na nagturo sa kinaroroonan at tumulong sa pagkakarekober sa mga IEDs.

Samantala, ang mga narekober na pampasabog ay dinala sa Cagayan Provincial Explosive Ordnance Disposal and Canine Unit para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble