OPISYAL nang sinimulan ng Pasig City ang Private Education for the Advancement of the Grassroots Through Academic (PAG-ASA) Scholarship Program.
Opisyal nang inilunsad ng Pasig City ang kanilang scholarship program para sa private tertiary schools.
Ang PAG-ASA scholarship program ay naglalayong mabigyan ng financial assistance ang lahat na mga underprivileged at indigent na first year students na nasa private higher education institutions at technical vocational institutions.
Sa programa, makatatanggap ng 35,000 pesos per semester ang magiging scholars hanggang matapos ito sa pag-aaral.
Sa pilot implementation ng programa ay nakipag-ugnayan ang Pasig LGU sa Arellano University-Pasig Campus at Pasig Catholic College (PCC).