Arroyo, gumagalaw para kay FPRRD vs ICC

Arroyo, gumagalaw para kay FPRRD vs ICC

PINANGUNAHAN ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na ngayon ay Senior Deputy Speaker ng 19th Congress ang paghahain ng House Resolution No. 780 para himukin ang mga kapwa mambabatas na suportahan si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Ito’y laban sa posibleng imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa alegasyon ng crimes against humanity dahil sa drug war ng nagdaang administrasyon.

Ayon kay PGMA, maganda ang naging resulta ng kampanyang iyon ng dating administrasyon.

Epiktibo rin aniya ito na mapababa ang crime rate at nabigyan ng proteksyon ang taumbayan.

Napapanahon din aniya ang programa sa pagpasok ng Duterte administration dahil naging malaking banta noon sa social fabric ng bansa.

‘Keen’ din aniya o mabusisi ngayon si dating Pangulong Arroyo sa isyu dahil mismong siya ay naging biktima noon ng unfair investigation pagkatapos ng kanyang termino.

Kung maaalala, naka hospital arrest noon si Arroyo dahil sa ‘politically-motivated’ na mga kaso.

Follow SMNI NEWS in Twitter