ASF, patuloy ang paglaganap dahil sa “untested” na pork imports—SINAG

ASF, patuloy ang paglaganap dahil sa “untested” na pork imports—SINAG

ITINUTURONG dahilan ng ‘Samahang Industriya ng Agrikultura’ (SINAG) sa patuloy na pagkalat ng African swine fever (ASF) ang “unlimited” at “untested” na pag-aangkat ng karneng baboy.

Walang silbi, ayon kay SINAG Executive Director Jayson Cainglet ang pagpapatupad ng movement protocols at biosecurity measures kung hindi naman kontrolado ang pagpasok ng inaangkat na mga karne.

Hinihikayat ng SINAG na magbigay na ng ayuda para sa mga apektadong local hog raisers at farmers dahil sa ngayon ay wala pa ring tulong na natatanggap ang mga ito.

Noong nakaraang buwan ay sinabi ng Bureau of Animal Industry (BAI) na posibleng magkaroon ng pork shortage dahil sa paglaganap ng ASF at tinatayang aabot sa P100-B ang mawawalang kita.

Follow SMNI NEWS in Twitter