Barangay Ginebra, nakuha ang unang panalo sa best of 7 sa final series ng PBA Governors’ Cup

Barangay Ginebra, nakuha ang unang panalo sa best of 7 sa final series ng PBA Governors’ Cup

NAKUHA ng Barangay Ginebra San Miguel ang kanilang unang panalo sa final series ng PBA Governors’ Cup.

Ito ay matapos na talunin ng koponan ang TNT tropang Giga sa iskor na 102-90.

Nakatulong sa kanilang panalo ang 9 points lead sa first quarter sa iskor na 29-20.

Gumawa naman ng double-double performance sina Justin Brownlee, Christian Standhardinger at Scottie Thompson.

Magaganap ang Game 2 sa pagitan ng dalawang koponan sa Miyerkules, April 2.

Sa NBA naman, sinelyuhan ng defending champion Golden State Warriors ang kanilang playoffs berth matapos tambakan ang Trail Blazers sa iskor na 157-101.

Naging malaking bentahe sa panalo ng koponan ang 28 points lead sa pagtatapos ng first quarter sa iskor na 55-27.

Nasa ika-anim na puwesto ang koponan sa Western Conference standing na may 44 wins at 38 loss.

Sumunod naman dito ang Los Angeles Lakers na may 43 wins at 39 loss at makahaharap sa play-in tournament ang Minnesota Timberwolves para sa 7th place.

Habang maglalaban para sa tiyansang makapasok sa 8th place ang New Orleans Pelicans at Oklahoma City Thunder.

Ang mananalo sa pagitan ng dalawang koponan ay makakaharap ang matatalo sa pagitan ng Lakers at Timberwolves.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter