BUMABA na ang insidente ng Asian hate crimes sa New York, USA.
Sa paliwanag ng Philippine Consulate General sa New York, mayroon pa ring hate crimes subalit hindi na tinatarget ang Asians sa kabuuan.
Matatandaang nagsimula ang Asian hate crimes noong 2020 dahil sa coronavirus pandemic kung saan pinapaniwalaan ng mga Amerikano ang mga Asyano ang nagdala ng COVID-19 na sakit sa Estados Unidos.
Batay sa Asian American Pacific Islander (AAPI), Pinoy ang nasa ikatlong puwesto sa mga Asyano na nakararanas ng matinding hate crimes.
Nangungunang biktima rito ang mga Chinese at Korean.