DISMAYADO ang Ata-Manabo Tribal Council of Elders/Leaders ng Talaingod Association sa Kamara dahil sa kawalang-aksiyon sa kanilang inihaing Ethics Complaint laban kay ACT Party-list Rep. France Castro noong Disyembre 10, 2024.
Ang naturang reklamo nakabatay sa desisyon ng korte noong Hulyo 2024, kung saan napatunayan na si Castro at 12 iba pa, guilty sa pang-aabuso sa kabataang katutubo na dating mga mag-aaral sa Salugpungan School.