WALANG mangyayari kung constituent assembly (Con-ass) ang magiging daan para sa Charter change.
Sa panayam ng SMNI News, ipinaliwanag ni Atty. Larry Gadon kung bakit mas maganda ang constitutional convention (con-con) para mabago ang Saligang Batas ng Pilipinas.
Binigyang-diin ni Gadon na ang constitutional amendment ay hindi gaya ng ordinaryong mga panukala na idadaan sa komite ng Kamara at Senado at pagkatapos ay idadaan din sa plenary.
Kaugnay nito ay naihirit pa ni Atty. Gadon, ninanais ng Senado na ihihiwalay ang botohan nila sa Kamara na kung hindi makakapasa sa kanila ay mababalewala lang ang pinaghirapan ng mahigit 300 kongresista.
Nitong Martes, March 14, 2023 pasado na sa third at final reading sa Kamara ang con-con para amyendahan ang 1987 Constitution.