IPINAKUKUNSIDERA ni dating Chief Presidential Legal Counsel Atty. Salvador Panelo kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang one-on-one talks kay Chinese Pres. Xi Jinping para resolbahin ang tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea (WPS).
Aniya, walang nangyayari sa puro pangakong suporta ng ibang bansa upang matigil ang tensiyon sa WPS.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy ang pakikipag-usap ng bansa sa China sa pamamagitan ng ministerial, sub-ministerial at a people-to-people level upang resolbahin ang tensiyon.
Ginawa naman ng Pangulo ang pahayag kasunod na rin ng matagumpay na multilateral maritime cooperative activity sa pagitan ng Pilipinas at tatlo pang bansa.