Atty. Roque, naniniwala na walang kasalanan ang NGCP sa naging power outage sa Luzon

Atty. Roque, naniniwala na walang kasalanan ang NGCP sa naging power outage sa Luzon

NANINIWALA si dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque na walang kasalanan ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa naging power outage sa Luzon.

Inamin na ng Department of Energy (DOE) na may 5 power plants ang nasira at walang operasyon sa kasalukuyan.

Para kay Atty. Harry Roque, sapat na ito na rason para kulangin ang suplay ng kuryente.

Hinggil ito sa umano’y biglaang malawakang power outage sa Luzon noong May 8, 2023.

Itinuturo namang may kasalanan sa power outage ay ang NGCP.

“Hindi ko talaga alam ang pangyayari, may limang plantang tumigil….kawalan ng power from generators,” saad ni Atty. Harry Roque, Former Presidential Spokesperson.

Kaugnay nito, sinabi ni Roque na may problema talaga ang Pilipinas hinggil sa power supply.

Ang power plants natin ay karamihan para lang sa coal at wala ng alternatibo.

Itinayo pa ang mga ito sa panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Ngayon, ay walang naitayong bagong mga planta dahil hindi na rin maaaring ibigay sa mga consumer ang mataas na presyo ng binibiling fuel.

Sa panahon ni Pangulong Ramos, binabawi ang gastos ng binibiling fuel sa mga consumer kung kaya isa rin ang Pilipinas sa may pinakamataas na presyo ng kuryente.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter