Atty. Roque, naniniwalang walang ouster plot laban sa Speaker ng Kamara

Atty. Roque, naniniwalang walang ouster plot laban sa Speaker ng Kamara

NANINIWALA si Atty. Harry Roque na walang planong mag-kudeta laban sa kasalukuyang House Speaker ng Kamara, si Dating Pangulo at ngayon ay Pampanga 2nd District Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.

Sa kaniyang programa sa SMNI News, ito ang naging komento ni Roque kasunod ng pagkakatanggal kay Arroyo mula sa pagiging senior deputy speaker.

Matatandaan na si Rep. Arroyo ay itinuturing na ‘secret weapon’ ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa mga panlabas na relasyon, kaya lagi rin itong kasama sa mga biyahe ng pangulo.

Naniniwala si Roque na maaaring fake news ang sinasabing ouster plot laban kay House Speaker Martin Romualdez.

Naibahagi naman ni Roque na nagkaroon na ng ganitong pangyayari noon sa administrasyong Duterte.

Kung saan na-challenge na noon ni Dating Pangulong Arroyo si Dating House Speaker Pantaleon Alvarez na maaalis sa puwesto.

Samantala, hinggil sa pagkakatanggal kay Arroyo bilang senior deputy speaker, sinabi ni House Majority Leader Mannix Dalipe na layunin ng hakbang na hindi na madagdagan pa ang pasanin ni Arroyo bilang kongresista ng 2nd District ng Pampanga.

Ang senior deputy speaker ang pangalawang pinakamataas na posisyon sa Kamara kasunod ng House Speaker.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter