Atty. Topacio, naniniwalang may ilalabas na bagong testigo vs Cong. Teves

Atty. Topacio, naniniwalang may ilalabas na bagong testigo vs Cong. Teves

NANINIWALA si Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Negros Oriental Rep. Arnolfo ‘Arnie’ Teves, Jr. na posibleng may ilalabas na bagong testigo laban sa mambabatas.

Ito’y kasunod ng pagbaliktad ng lahat ng suspek na testigo sa pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo na unang itinuro si Teves na mastermind sa krimen.

Sa panayam ng SMNI News kay Topacio, sinabi nitong posibleng ito ang gagawin ng kalaban dahil desperado na ang mga ito.

Matatandaan na pormal nang isinumite ng mga testigong suspek sa Degamo murder ang recantation sa kanilang mga testimonya bagaman kinukuwestiyon ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang originality ng mga affidavit ng mga ito.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter