Atty. Vic Rodriguez sa mga botante: Panggigipit kay FPRRD huwag kalimutan

Atty. Vic Rodriguez sa mga botante: Panggigipit kay FPRRD huwag kalimutan

DIRETSAHANG sinabi ng mga kandidato ng PDP-Laban DuterTEN Slate na hindi madali ang sinasapit ng bansa ngayon dahil sa lantad na paglapastangan ng administrasyon sa mga indibidwal, grupo, at sektor na hindi nito kaalyado.

Una nang nakaranas ng panggigipit ang the Kingdom of Jesus Christ (KOJC), partikular na ang spiritual leader nitong si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Hindi nagtagal—isinunod na nila si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ilegal na inaresto’t dinala sa The Hague, Netherlands.

Maliban pa riyan ay patong-patong din ang mga isyu ng korapsiyon sa ilalim ng gobyernong Marcos Jr.—mga usaping pilit itinatago sa likod ng mga propaganda.

Kaya naman, giit ng PDP-Laban DuterTEN slate sa publiko: huwag kalimutan ang mga sugat na idinulot ng mapang-abusong gobyerno tulad ng pagsalaula sa konstitusyon, lalo na ang paglabag sa karapatang pantao ng maraming Pilipino.

“Nakita natin ang pagmamalabis ng kasalukuyang administrasyon kung paano nila sinalaula ang Saligang Batas. Kung paano nila niyurakan ang karapatang pantao ni Tatay Digong. Siya ay kinaladkad, hindi siya sang-ayon, labag sa kanyang kagustuhan. Subalit ang ginawa sa kanya ay hindi natin maaaring kalimutan kung papaano tinrato si Tatay Digong. Siya ay ipinagkanulo sa kamay ng mga banyaga na naglalaway diyan sa ICC,” wika ni Atty. Vic Rodriguez, Senatorial Candidate, PDP-Laban.

Mariin ding nanawagan si Atty. Vic Rodriguez na magkaisa ang mga Pilipino upang ituwid ang mga mali ng kasalukuyang administrasyon. Aniya, tila walang ibang inaatupag ang gobyerno ngayon kundi supilin at pahirapan ang mga Duterte na itinuturing nilang tinik at balakid sa kanilang politikal na interes.

“Nanganganib din ang opisina ng Pangalawang Pangulo dahil sa huwad na impeachment laban sa ating Pangalawang Pangulo. Kaya kinakailangan natin ng tulong ninyo. Mga kababayan, kinakailangan natin ng sapat na bilang, sapat na numero, sapat na dami sa Senado. Kaya pakiusap po, sana vote straight PDP DuterTEN on May 12, 2025,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble