Audio record hinggil sa umano’y bagong kasunduan sa Ayungin Shoal, maaaring “deepfake”—AFP

Audio record hinggil sa umano’y bagong kasunduan sa Ayungin Shoal, maaaring “deepfake”—AFP

POSIBLENG “deepfake” audio ang ginamit ng China para ipakita ang umano’y pruweba na nagkaroon ng bagong kasunduan sa pagitan ng isang opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at isang Chinese diplomat hinggil sa Ayungin Shoal.

Ang naturang kasunduan pa ay nangyari umano noong Enero 3, 2024.

Ayon kay AFP Chief Romeo Brawner Jr., madali na ngayon ang gumawa ng pekeng audio recordings at maging ang mga larawan ay maaari na ring baguhin.

Posible pa aniyang ginagawang “distraction” ito ng China dahil sa mga hindi nila kaaya-ayang asal sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panig ng China, malapit na anilang ilalabas ang tinutukoy na audio recording.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble