Australia, sinisisi ang Russian hackers para sa Medibank hacking

Australia, sinisisi ang Russian hackers para sa Medibank hacking

SINISISI ng Australian officials ang cyber criminals mula sa Russia dahil sa pangha-hack nito ng isa sa pribadong health insurance sa bansa.

Inihayag ng Australian Federal Police na kinakailangang maging accountable ang Moscow sa pagnanakaw ng private health records ng aabot sa 10 milyong kustomer ng Medibank at pag-leak ng daan-daang sensitibong impormasyon sa dark web.

Matapos ang data breach na naiulat noong Nobyembre 13, agarang inalam ng mga imbestigador ang identity ng mga indibidwal na responsable sa pag-atake.

Sa kabila naman nito ay tumanggi ang Australian Federal Police na pangalanan ang mga ito.

Ayon sa Medibank ang kabilang sa datos na nakuha ng mga ito ay higit sa 9 na milyong kustomer nito kabilang ang humigit kumulang 2 milyong international customers nito.

Kasabay ng imbestigasyon ay natuklasan naman na ang mastermind ng data breach ay ang Russian-speaking REvil gang.

Nag-demand din ang mga ito ng 10 milyong dolyar na ransom na tinanggihan naman ng Medibank na bayaran dahilan para ilabas ng crime group ang daan-daang sensitibong impormasyon kabilang ang pregnancy terminations sa dark web noong nakaraang linggo.

Sa isang statement, inihayag ni Prime Minister Albanese na nakaka-disappoint ang Medibank attack at nanlumo ang ilang Australians dahil nailabas ang ilan nilang personal na impormasyon.

Sinabi ng Federal police na nasa Russia ang mga hacker at nagtatrabaho na ang gobyerno para mabigyan ng hustisya ang pangyayaring ito.

“I’m disgusted by the Medibank attack. And I know all Australians are rightly distressed by the release of deeply personal information. We need to stand together at a time like this. The Australian Federal police have identified the hackers, revealing they’re located in Russia. We know where they are. And we are working hard to bring them to justice,” ayon kay PM Anthony Albanese.

Nakatakda naman na makipag-ugnayan ang Australian Federal Police sa Russian law enforcement officers ukol sa mga indibidwal na pinaniniwalaang responsable sa cyber attack na ito.

Follow SMNI NEWS in Twitter