Automated counting machines na dumating sa Pilipinas, higit 30-K—COMELEC

Automated counting machines na dumating sa Pilipinas, higit 30-K—COMELEC

DUMATING na sa bansa mula South Korea ang mahigit 33,000 na automated counting machines ng Miru Systems na siyang gagamitin sa 2025 midterm elections.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), ang mga makinaryang ito ay isasalang muna sa hardware acceptance test kung saan susuriin kung ang lahat ng component nito ay gumagana tulad ng touch screen, audio, scanner, at iba pa.

Ang mga depektibo ay kailangang palitan ng Miru.

Samantala, inaasahan na sa buwan ng Nobyembre ay makukumpeleto na ang lahat ng delivery para sa automated counting machines.

Matatandaan na mahigit 100 libong makinarya ng Miru ang nirentahan ng COMELEC para sa halalan.

Samantala, dumating na rin sa bansa ang iba pang items tulad ng ACM stand, modem o USB kit, headsets, laptops, printers, cable ties, hat ballots maging ang mga application at data servers na gagamitin sa eleksiyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble