Automation system ng Pasig, target na makumpleto sa huling bahagi ng 2023

Automation system ng Pasig, target na makumpleto sa huling bahagi ng 2023

TARGET na makumpleto sa huling bahagi ng 2023 ang digitalized ng automation system ng Pasig City.

Ito’y patuloy na pinoproseso ngayon ng Pasig City ang isang City-Wide Land Information Management Automation (CLIMA) project.

Ang CLIMA ay isang automation system na karugtong sa isang geographic information system platform kung saan nagagamit ito para sa iba’t ibang operasyon gaya ng Pasig Zoning Ordinance.

Maaaring sumangguni sa automation system na ito para sa evaluation, approval, at paglalabas ng permits gaya ng sa negosyo, tax mapping at ipa bang validation.

Posibleng sa huling bahagi ng taong 2023 makukumpleto ang proyekto.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter