UMABOT ng P438.7M ang avoidable fees ng Land Transportation Office (LTO) noong taong 2024.
Ayon ito sa report ng Commission on Audit (COA).
Maaari sanang maiwasan ng LTO ang gastos na ito kung hindi na sila nagpatuloy sa paggamit ng kanilang luma at outdated na I.T. infrastructure.
Ang paggamit nga lang ng luma at outdated na kagamitan ay dahil na rin sa pagkaantala sa pagkumpleto ng kanilang Land Transportation Management System (LTMS).
Masaklap pa nito ay nakatanggap na ang German firm na Dermolog Identification System GmbH ng P2.6B o mahigit 82 percent ng kabuoang halaga ng LTMS sa kabila ng hindi pa kumpletong implementasyon ng proyekto.
Sa kasalukuyan ay naipasa ng LTO ayon sa COA ang karagdagang gastos sa mga kliyente kung saan napilitang magbayad ng mga unnecessary na IT fees.